Ang Liabilities ay mga pananagutan ng isang entity either sa kapwa entity, sa public o sa government. Ang Liabilities ay isa rin sa bumubuo sa accounting equation na: Assets = Liabilities + Owner’s Equity. Samakatuwid, hindi balance ang accounting kung wala ‘tong si Liability. Iba’t iba ang mukha ng Liabilities, nandiyan si Accounts Payable, Notes Payable, Interest Payable at kung anu ano pang mga Payables.
Pero, bago natin himayin ang anatomy (sumesegwey lang sa Biology) nitong si Liabilities, alamin muna natin ang mga katangian niya.
CHARACTERISTICS OF LIABILITY
(Ayon sa “The Framework of the Preparation of the Financial Statements”)
- Ang Liability ay pangkasalukuyang obligasyon ng isang entity. I insist “Pangkasalukuyan, present, praesens, gegenwart” o kahit ano pang lengwahe ang trip mo, basta present no more, no less.
- Ang entity ay dapat identifiable. Hindi pwedeng peke o drawing lang ang entity.
- Ang liability ay nagmula sa Nakaraang transaction. Oh! Nakaraan, dati, noon, past. Hindi maaaring magrecognize ng Liability kung pinaplano mo pa lang, dapat nangyari na . (nangyari - Past tense)
- Ang settlement ng Liability ay magreresulta sa outflow ng assets mula sa entity.